Chapter 73 - Popular Guy on day one (1/2)
Matapos ang klase dumeretso si Prin, Kai at Bella sa isang Bubble Tea House na nasa tapat ng school.
”Naguguluhan ako. Bakit bigla mong naging boyfriend si MB5? I mean, si Kai?” Panimula ni Prin kay Bella habang inutusan niya si Kai na umorder ng Milk Tea.
Nakayuko si Bella at hindi maiangat ang ulo. ”Yung ex-boyfriend ko kasi Prin. Ginugulo pa rin ako. sinabi ko na pinagpalit ko na siya sa iba. Naghanap ako ng picture sa internet at nagustuhan ko yung picture niya.” Bulong nito sa kanya habang nakatingin kay Kai na naiinip sa pila.
Halatang iritable ang lalaki dahil ang babagal ng crew.
Makahulugan naman ang tingin ni Prin kay Bella. Nginisian niya si Bella. ”Oh! So, nagustuhan mo?”
”Y-yung picture.” Mariin na sabi nito.
”Yes. I am talking about the picture.” Nakangisi si Prin.
Lumingon si Kai sa gawi nila na matalim ang tingin at agad na nagtakip si Bella ng mukha at halos magtago sa mesa.
Naaaliw si Prin. ”Huwag kang matakot kay Kai. Ako na ang nagsasabi sa 'yo na bukod sa walang girlfriend iyan, lamang iyan ng sampung paligo sa ex mo”
”Kaya lang mukhang masungit!” Sagot ni Bella. Naniniwala siya na lamang na lamang ang lalaki sa ex niya. Kaya nga ito ang napili niya na maging 'boyfriend'
Napaisip si Prin. Noon niya lang napansin na masusungit ang mga kasama niya sa Dark Guards. Si Cally na nangunguna sa listahan ng masungit, si Lorenz ay masungit din. Si Kai ang pumapangatlo sa kasungitan.
”Alam mo Dear, naniniwala ka ba na si Master Cally ang pinaka -masungit? pero napa-amo ko siya...” Tinapik-tapik niya ito sa balikat.
”...Kaya kapit lang, maiinlove din iyan sa iyo”
”S-sinong mai-inlove?” Biglang namula ang pisngi nito.
Nakabalik na si Kai na may bitbit na tray. May laman itong tatlong baso ng milktea.
”Mga order niyo mga prinsesa.” Tila hindi interesadong sabi nito.
”You?!” Hinarap ni Kai si Bella.
”Anong palabas 'yung kanina?” Matigas na tanong ni Kai.
Napalunok si Bella. Hindi niya pwedeng i-delete ang picture dahil siguradong hahanapin iyon ng ex-boyfriend niya. Mas maganda pa nga na aktwal na nasa harap niya ang lalaki sa larawan para hindi isipin ng iba na gumagawa siya ng kwento.
Bukod pa doon, napakilala niya na ang lalaki bilang boyfriend. Wala siyang choice kun'di pakiusapan ito na ipagpatuloy kung ano ang nasimulan niya.
Nagsinungaling man siya, okay na iyon kaysa naman bwisitin siya ng ex-boyfriend niya.