Chapter 65 - Dream guy (1/2)
Pauwi na si Bella nang makasalubong niya ang dating nobyo sa daan. Hinawakan siya nito bigla sa braso.
”Hey!” angil niya.
”Babe, sorry na. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako pumatol sa iba e. Kung pumapayag ka lang sana na may mangyari sa atin. E'di sana walang iba.”
Nakaramdam ng pagkasuklam si Bella. Bakit ba ngayon niya lang nakita ang ugali ng lalaking nasa harapan niya? Tama ba na sa kanya pa isisi ang dahilan.
”shut up! Bitiwan mo ko! May boyfriend na ako!”
Ngumisi lang ang lalaki at humigpit ang hawak sa braso niya. ”Ipakita mo muna sa akin ang kung sino man ang boyfriend mo na iyan! Ang bilis mo naman yata akong palitan. Hindi ako naniniwala na may iba ka agad.”
'Aba't!' Tiningnan niya ito ng pailalim. She really felt disgusted.
”Ipapakita ko talaga sa iyo! Mas gwapo ng 'di hamak kaya na-inlove ako sa kanya. Lamang sa iyo ng sampung paligo!”
Tumiim ang bagang nito. Hinigpitan pa lalo ang hawak sa braso niya. Akmang sasaktan muli siya nito pero tinuhod niya ang bayag nito. Iyon ang turo sa kanya ni Prin.
Namilipit sa sakit ang dati niyang nobyo. Binelatan niya lang ito saka tumakbo pauwi.
Dahil hinahanapan siya nito ng boyfriend, sinimulan niyang maghanap sa internet. 'Handsome guy' ang nilagay niya sa search bar.
Madami ang lumitaw na larawan ng kung sinu-sino. Karamihan ay celebrities. Ang hinahanap ni Bella ay yung tipo na hindi sikat, ma-appeal, matapang ang mukha para matakot ang walang hiya niya ng ex-boyfriend. Yung tunay na lalaki.
Nakahiga na siya sa kama at inabot na siya ng gabi, wala pang pumapasa sa pamantayan niya ng tunay na lalaki. Matapos ang ilang oras, nakita rin niya sa wakas ang hinahanap.
Pinagmasdan niya ang mukha ni kuyang pogi kahit naka-sideview ito ng bahagya. Makapal ang kilay, may pamatay na tingin, had an imposing - romanesque nose, at labi na para bang napakasarap i-kiss at kayumanggi ang kulay. overall mukhang papasa sa kategorya niya ng tunay na lalaki.
Hanggang dibdib lang ang larawan kaya nakaramdam siya ng pagkadismaya. Sa tingin ni Bella, matangkad ang lalaki. Isang halimbawa ng tall, dark and handsome.
Hindi na siya nagdalawang isip pa na ilagay ang larawan ng lalaki sa kanyang timeline. 'My new boyfriend. Goodnight my loves!' ang nilagay niya sa caption.
How she wished na makita sa personal ang lalaking nasa larawan.
=====
Patuloy na nagtatrabaho si Cally kahit nasa bahay.
Nakayukyok lang si Prin sa braso niya na nasa ibabaw ng office table nito sa bahay at pinanonood ang seryosong mukha ni Cally na nasa kabilang bahagi ng mesa.
”Hindi ka pa matutulog?” tanong ni Cally sa kanya kahit pa nasa monitor ng laptop nito ang mga paningin at nagtitipa sa keyboard.
”Gusto mo na bang lumabas ako?” paninigurado ni Prin.
Inangat ni Cally ang paningin sa kanya. ”Hmm… Sit here para ma-inspire ako at bumilis ang trabaho ko para masamahan na rin kita matulog” pinagpag ni Cally ang binti.
Nag-aatubili si Prin kung susunod kay Cally. ”Gusto mo ba ako na ang magbuhat sa iyo?”