Chapter 46 - Marvin came (1/2)
Matapos ang klase, magkasama si Prin at Bella patungong 'Awesome Billiard Bar' kung saan gaganapin ang match niya kay Sean.
”Friend, malapit lang iyon. gusto mo bang maglakad na lang tayo?” Tanong ni Bella.
Randam pa ni Prin ang ngalay ng braso niya at gusto niyang isumpa si Cally. Namula ang pisngi niya matapos niyang maalala ang pinagawa nito sa kanya.
”Kung malapit lang, maglakad na nga lang tayo.” Suhestyon ni Prin.
Nagkukwentuhan pa sila na patungo sa bar kung saan ang usapan nila ni Sean nang may humintong sasakyan sa gilid at agad na lumabas ang apat na lalaki.
Hinawakan si Bella sa magkabilang braso ng dalawang lalaki. Boy A at Boy B
”Ahhhh---” Sigaw nito. Tinakpan ni Boy A ang bibig ni Bella.
Nang hahawakan si Prin ng dalawang lalaki pa, si Boy C at D, sinipa niya si Boy C. Ang isa naman ay binigyan niya ng Judo's single-handed back throw at saka tinapakan ng mariin ang lalaking iyon sa mukha.
”Ahhh!” Hiyaw nito sa sumakit na likod at mukha.
Lumabas si Marvin sa sasakyan at nakita ang kilos ni Prin.
Susuntukin sana siya ni Boy C sa sikmura, pero agad na hinawakan ni Prin ang braso nito at leeg at binigyan naman niya ang lalaki ng Judo's body drop. Napahiga ito. Saka niya ito sinuntok ng malakas sa mukha. Nawalan ng malay ang lalaki.
Walang nagawa si Marvin kung hindi itutok ang baril kay Bella.
”Huwag kang kumilos kung hindi, mamamatay ang kaibigan mo.” Ang sabi.
Isang matalim na tingin ang ibinalik ni Prin kay Marvin.
Agad namang dumaloy ang luha sa mata ni Bella dahil sa takot. May nakatakip pa din sa bibig nito.
”Huwag kang matakot, Bella.” Sabi niya sa kaibigan saka hinarap ang lalaki.
”Ano ang kailangan niyo sa amin?” Tanong niya dito.
Ngumisi si Marvin. ”ikaw lang talaga ang kailangan namin.”
Naalala bigla ni Prin ang anim na kidnappers. Ngumisi siya. ”Your lackeys were dead and now you are here again. Let me guess… ikaw si Marvin.”
Tumawa ito ng malakas.
Susunggaban sana siya ni Boy D dahil nakabawi na ito pero agad siyang umiwas. Yumuko siya at pinatid ang lalaking iyon at tinuhod ang maselan na parte ng pagkalalaki nito.
”Wraaaah!!!”
Agad na namilipit sa sakit ang lalaki. Napansin ni Prin ang maliit na patalim sa likod ng bulsa nito dahil napadapa ang lalaki.