Chapter 42 - Ball Game (1/2)

Hindi nagustuhan ni Prin ang mga sinabi ni Sean tungkol kay Cally kaya hinamon niya ito na maglaban sila sa laro.

Nagbulungan ang ibang estudyante na nasa paligid nang marinig ang hamon niya.

”Nababaliw na ba siya? Sikat na player si Sean, ang lakas naman ng loob niya na hamunin si Sean?”

”Sinabi mo pa.”

Pero meron din naman na na-aaliw sa hamon ni Prin.

”Hmm.. mukhang exciting ito.”

”Panonoorin ko ito sigurado.”

”Let's see kung matalo nga niya si Sean.”

Napatingin si Sean sa paligid at napansin na naghihintay ang mga estudyante sa isasagot niya. Wala pang humamon sa kanya na tulad ng ginagawa ni Prin sa oras na iyon.

”Anong sports ang gusto mo?”

”Name it” sagot ni Prin.

”Are you sure baka naman jack en stone lang ang alam mo?” nang-iinis pa na tanong nito.

”Prin, are you sure?” nag-aalala na tanong ni Bella sa tabi.

”1,000 percent sure. Kapag natalo kita, ayoko na kulit-kulitin mo pa ako dahil sinisira mo ang umaga ko.” naiinis na sabi niya dito.

”Sige. Pero kapag natalo kita…You will be my girlfriend.”

Nagtaas ang kilay ni Prin. ”Deal!”

Naisip ni Sean na Football ang laruin nila ni Prin pero nakita niya kung paano tumira ang dalaga ng sipain nito pabalik ang bola nu'ng nakaraan.

”What about basketball? Pero i-shoo-shoot lang ang bola. Tig-sampung tira. Kung sino ang makashoot ng madami, siya ang panalo” tanong nito.

”Shoot!”

”Meet me in basketball court at 4 PM. Pero gusto kong sabihin na unang laro pa lang ang mamaya. Tatlong laro ang paglabanan natin para mas exciting!” sabi nito saka umalis.

Hindi na pinansin pa ni Prin ang lalaki at tumuloy na sa klase.

”Prin, are you sure?” tanong ni Bella sa kanya.

”Of course!”

”Magaling siya sa Basketball. Kapag natalo ka niya, paano na si Cally?”

Hinarap ni Prin si Bella. ”Huwag kang mag-alala, dahil hindi niya ako matatalo.” determinadong sabi niya. Gusto niyang turuan ng leksyon si Sean sa pagsabi nito na walang kwenta si Cally.

Gusto niyang gulpihin ang lalaki dahil sa sinabi nito pero nasa eskwelahan sila at hindi siya pwedeng magpadalos-dalos.

Pagsapit ng alas kwatro ng hapon, maraming tao ang naghihintay na manood ng laban ni Prin at Sean. Ang ibang manonood ay mga tagahanga ng lalaki, ang iba ay nakikiusyoso lang, ang iba naman ay gustong malaman kung sino ang humamon kay Sean.

Nakasuot si Prin ng bestida at ni hindi man lang nag-aksaya ng panahon na magpalit ng damit. Naniniwala siya na hindi dapat pag-aksayahan ng panahon si Sean para bumili pa siya ng damit at mag-ayos ng sarili. Sapat nang pumayag siya na labanan ito.