Chapter 39 - Fearless and Courageous (1/2)

[Feibulous: this chapter includes some inappropriate content ; Karahasan]

Nakita ni Cally ang pagkuha ng mga lalaki kay Prin. Humigpit ang hawak niya sa manibela at tumalim ang tingin niya sa itim na van.

Sinundan niya ng lihim ang sasakyan.

Si Prin sa loob ng van ay kumunot ang noo nang makita ang mga kidnappers. Naisip niya na hindi ba't ang mga ito rin ang dumukot din sa kambal?

Apat ang lang ang nasa van. Wala doon yung mataba at ang lalaking iisa ang ngipin.

Hawak siya ng dalawang lalaki sa braso. ”Bakit lumakas yata ang loob niyo at dinukot niyo ako?”

”Napag-utusan lang kami at doon ka namin dadalhin ngayon.” sagot sa kanya ng lalaking nasa likuran.

Tumalim ang tingin ni Prin. Sino naman ang magpapadakip sa kanya?

”Ikaw na nasa likod na naka asul, mamaya basag ang lahat ng ngipin mo. Kayong dalawa na may hawak sa akin, siguradong hindi na kayo uulit. At ikaw na driver, basag ang bungo mo mamaya.” sabi niya sa mga ito.

Nagtawanan ang apat na lalaki. Tinutukan siya ng baril ng nasa kaliwa niya.

”Ano ba iyan? Bakit parang inulit niyo lang ito? Saka sino ang nag-utos sa inyo?” tanong ni Prin.

Hindi siya sinagot ng mga ito. Huminto ang van sa isang 'di kalakihang bahay at medyo masukal na lugar.

Hindi pa man pinabababa si Prin ng sasakyan, siniko niya ang lalaking nasa kanan at diretsong sinuntok sa mukha ang nasa kaliwa.

Hinablot ang nasa likuran na naka-asul at pwersahang hinila at inuntog ang ulo ng lalaking iyon sa ulo ng driver. Parehas nakaramdam ng hilo ang dalawa at halos walang makita dahil parehas na nanlalabo ang paningin.

Nakabawi ang lalaking nasa kaliwa ni Prin at ibinalik nito ang pagtutok ng baril sa kanya.

”Huwag kang kikilos!” angil nito.

Hinawakan niya ang kamay nito. Sa galit ng lalaki ay pinaputukan siya nito ng hawak na baril. Pwersahang itinapat ni Prin ang kamay nito sa lalaking nasa kanan at dumeretso ang bala sa noo ng taong iyon na kasalukuyang naglalabas ng patalim.

Dumaloy ang pulang dugo mula sa noo ng lalaking iyon. Tumalsik pa ang iilan ng dugo nito sa pisngi niya.

Narinig ng lalaking mataba at ang kasama nito na iisa ang ngipin ang putok kaya nagmadali ang dalawa na makalabas ng bahay.

Nanlaki ang mata ng lalaking may hawak ng baril.

”Ang tanga-tanga mo tumira, lagi na lang mali ang tira mo.”

Nag-aapoy ang mata ni Prin sa galit na kinuha ang patalim ng lalaking nasa kanan at diretsong isinaksak sa leeg ng lalaking nasa kaliwa. Idiniin niya pa iyon hanggang sa handle na lamang ng patalim ang nakikita niya.

”Hayan! Hindi na talaga kayo uulit!” singhal niya sa dalawa na nawalan na ng buhay.