Chapter 29 - Sweeter and Deeper (1/2)

”See you later!” sabi lang ni Cally saka inutusan na si Xander na paandarin ang sasakyan nito.

Hindi siya nito pinansin buong byahe.

Umikot na lang ang mata ni Prin nang makaalis ang sasakyan. Alam niyang gusto siyang tirisin ni Cally pero nagtitimpi lang ang lalaki matapos niya itong biruin tungkol sa pagkalalaki nito.

This guy's ego! Mas mataas pa sa Mount Fuji!

Pagpasok ng gate nakita niya si Evan na classmate niya.

”Hello Prin” Matamis ang pagkakangiti na bati nito.

Wala siya sa mood na kausapin ito dahil nilapit-lapitan lang naman siya nito nang magsimula siyang magsuot ng bestida. Kaya hindi maganda ang impresyon niya sa lalaki. Isa pa, nobyo ito dati ng isa pang kaklase niya na inis sa kanya -- si Luna.

Nakwento niya si Luna noon kay Cally na hindi maganda ang relasyon niya sa babae at lagi siyang tinataasan ng kilay.

Nabigla na lang siya nang may umakbay sa kanya -- si Bella. Galing din sa gate ang babae at hindi niya lang napansin.

”Uy! Ikaw pala iyan” nakangiti niyang sabi.

”Yes my friend! I like your outfit today! Good job!” Sabi nito.

”Thanks!” napangiti siya dahil kay Cally galing ang damit niya. Pero hindi niya alam kung sino ang inutusan nito na magdala ng damit.

”You are learning and I'm happy sa kinalabasan.” Excited na sabi nito.

Napadaan sila sa bulletin board papunta sa klass at napansin ni Prin ang anunsyo mula sa Volleyball team.

May paanyaya na kukuha ang team ng school nila ng tatlong members pa, kapalit ng naka-graduate nang nakaraang school year.

Bigla niyang naisip na magtry pero baka masira ang oras niya sa klase at oras nila ni Cally.

”Gusto mo magtry?” napansin ni Bella na interesado siya dahil bigla silang huminto sa tapat ng board.

”Siguradong hindi siya magaling kaya bakit siya magta-try?” Singit ni Luna na nasa likuran lang pala nila. Hindi nila napansin ang babae.

Hindi sumagot si Prin.

”Hindi ka ba magaling friend?” usisa ni Bella.

”I just know how to play. Wala pa naman akong nasalihan na team ng Volleyball.” sabi ni Prin.

Pero sa Dark Guards ay isa sa mga libangan nila ang maglaro ng Volleyball at Basketball. Those are just an example of their physical activities and hobbies at the same time.

Gayunpaman, hindi naman sila matatawag na professional.

”I bet hindi ka naman talaga marunong.” sabi ni Luna.

”Hey! That was rude!” sabi dito ni Evan.

Lalong sumama ang mood ni Luna kaya inirapan na lang siya nito at umalis na.

Tahimik lang si Prin. Kaysa pag-aksayan ang mga taong inis sa kanya na kahit wala naman siyang ginagawa, mas makabubuti pa na ilaan niya na lng iyon sa pag-aaral para hindi siya sungitan ni Cally.

=====

Matapos ang klase dumeretso siya sa opisina ni Cally dahil may usapan sila nito.

Tinuruan siya ni Cally sa math problems na nagpapasakit ng ulo niya.