Chapter 24 - Make-over 101 (1/2)
Sa loob ng ilang araw, maayos naman ang pakikitungo ni Cally kay Prin at wala naman siyang problema sa lalaki bukod sa pagiging masungit nito.
Pumapasok ito sa opisina matapos siyang ihatid sa eskwelahan. Masasabi na maayos ang samahan nila sa bahay ng lalaki kahit madalas siyang pagalitan ni Cally.
Kating-kati na ang mga kamay at paa ni Prin na magmaneho ng kotse pero ayaw nito na isa sa mga gusto niyang iprotesta sa lalaki.
Madalas siyang sumali sa Race at nagpapanggap siyang lalaki bilang 'Aiden' noong nasa Japan pa siya kaya hindi niya maintindihan si Cally kung bakit ayaw nito na magmaneho siya ng sasakyan.
”How's your studies?” tanong ni Cally habang daan. May isang linggo na rin kasi si Prin na pumapasok sa school.
”Okay naman, Filipino friends are cool and friendly. But I also have one classmate na parang inis sa 'kin at lagi akong tinataasan ng kilay tuwing makakasalubong ko siya sa hallway.”
”Not everyone is good. But, how is your studies?” balik ni Cally sa tanong nito.
Napalunok si Prin at hindi alam ang isasagot. This guy never missed the chance kapag may nais at gustong malaman.
”Huwag mo nang sagutin... I can read the answer all over your face.” sabi nito sa kanya.
Sumimangot si Prin. ”yeah.. Because you are so intelligent.” bubulong-bulong na sabi niya.
Ilang saglit pa, huminto na ang sasakyan nito sa tapat ng gate ng school nya.
”I have to go.” sabi niya sa lalaki.
”Come to my office later after your class.” sabi nito bago pa man siya makababa.
Natuwa naman si Prin dahil unang beses siya na maimbitahan nito sa opisina.
”I will teach you in your lessons, kaya be ready.”
Prin ”....”
'Sabi na nga ba'. Bakit nga ba siya umasa-asa na inimbitahan siya nito para dalawin ito kung kamusta ito sa opisina? Sigurado na ang dahilan ni Cally ay hindi simple.
Sumimangot siya saka binitbit ang bagpack, lumabas ng sasakyan at tumuloy na sa pagpasok ng gate.
Nakita niya si Bella hindi pa man nakakaalis ang sasakyan ni Cally. Nakakunot ang noo nito. Ito ang kauna-unahang kaibigan niya sa school.
Babaeng-babae ang dating nito. Madalas na naka-dress ang kaklase niya, naka-heels at simpleng make-up kaya hindi makapaniwala si Prin na makakasundo niya si Bella.
”Wow! Who is that?” tanong nito habang nakatingin at nakaturo sa sasakyan ni Cally.
Nilingon niya pa ang sasakyan ng lalaki.
”Oh! That is my boyfriend.” nakangiti na sabi niya. Ayaw niya kasi na iba ang isipin ng bagong kaibigan sa kanya kung sasabihin niya na asawa niya ang may-ari ng sasakyan.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. ”Boyfriend?”
Madalas kasi na naka-baggy clothes si Prin, naka-bagpack, snickers at naka-ponytail ang mahaba niyang buhok.
”Are you sure it's a boyfriend?” hindi makapaniwalang tanong nito.