Chapter 19 - Flag Fight (2) (1/2)
Dahan-dahan na lumapit si Prin at ang tatlo pa nilang kasama papunta sa white flag ng Dragoon. Ilang metro na lang ang layo nila at natatanaw na nila ang puting Flag na nagliliwanag.
Pinag-aralan ni Prin ang apat na nagbabantay doon at nagmamasid.
Lumingon siya sa mga kasama niya na nasa likuran at sumenyas na umabante. Maya-maya, nakarinig sila ng mga tira ng sumpit mula sa Cobra na parehas ang layunin na tulad nila -- ang makuha ang white flag. Nalipat dito ang atensyon ng mga nagbabantay sa white flag.
”Go. go. go!” sabi ni Prin sa mga kasama habang nasa iba ang atensyon ng Dragoon team.
Binaril din nila ng sumpit ang dalawang team habang umaabante patungo sa white flag. Natamaan din ang isang kasama ni Prin dahil napansin sila ng mga ito.
She was determined to get the flag. Hindi niya napansin na may nakatutok sa kanyang sumpit. Mabuti na lamang at nahila siya ni Cally na lihim na nakasunod din sa kanila, sabay silang na out-of-balance kaya tumilapon siya sa ibabaw ng lalaki.
Parang tumigil naman ang mundo ni Prin dahil sa pagdikit niya sa katawan nito. Hindi niya alam kung ilang segundo iyon na parang nilipad ng hangin ang diwa niya.
”Hey, get up and get the flag! Ako ang pro-protekta sa iyo.” gising nito sa nililipad niyang diwa.
Nakabawi naman siya agad.
'Mamaya na ang landi, trabaho muna' sabi niya sa sarili.
Tumayo siya na sakto lang na nakatago ang ulo niya sa crate saka diretso na tinakbo ang direksyon ng white flag. Wala ng atrasan.
Kapag nakuha na nila iyon ay hindi na pwedeng bawiin ng Dragoon pero maaaring makuha sa kanila ng Arcadia at Cobra team.
Habang tumatakbo siya, matalim ang paningin ni Cally na nagmamasid at pinatamaan nito ng sumpit ang member ng Cobra na nagtatago hanggang sa makuha ni Prin ang white flag.
”Yes!”
Kinurot nito ang pisngi niya.
”Mamaya ka na magsaya. Itago mong mabuti iyan. Let's go to Cobra camp!” sabi nito sa kanya at sa isa pang kasama nila na si MB1 na wala pang tira ng sumpit. Tatlo silang natitira sa grupo at tumakbo papunta sa camp ng Cobra.
Hindi natutuwa si Cally na nabawasan sila ng mahigit sa kalahati pero ayos na rin at nakuha nila ang white flag.
Iyon nga lang, alam nilang tatlo na mas mahigpit na kalaban nila and Cobra. Hindi pa man din nila alam kung nagwagi ang grupo ni Kai sa Arcadia Camp at kung ilan ang natitira sa grupo nito.
Maingat silang tatlo sa pagsulong at hindi gumagawa ng ingay. Pinilit nilang magtago sa mga crate na hanggang bewang ang taas.
”You should keep the white flag whatever happened, okay?” sabi nito sa kanya.
”MB1 go!” senyas ni Cally. Sinunod naman siya nito. Pinauna ito ni Cally habang si Prin ang nasa gitna at siya ang nasa huli. Tatlo silang umabante ng tahimik.
Hindi inaasahan ni Cally na magbabantay si Lorenz at Donna sa flag ng mga ito. May mga nakita siyang naparalisa na mga member ng Arcadia at Dragoon na malapit sa pwesto ng dalawa niyang kaibigan.