Chapter 3 - His Shogun (1/2)

Sinalubong siya ni Lorenz, isang shogun (head ng Dark Guards) pagdating sa airport.

Si Lorenz ang kasa-kasama niya at naging matalik na kaibigan simula pa noong nagt-training siya sa UK. Kung palaging seryoso ang mukha ni Cally, mas seryoso ang unang impresyon kay Lorenz.

Kasama niya ang lalaki simula pa ng magkakilala sila nito sa daan. Isang out of school youth ang kaibigan niya na madalas magnakaw noon para makakain.

Sa una ay madalas niya lang makita ang lalaki mula sa sinasakyan tuwing uuwi siya mula sa eskwelahan. Grade six siya noon. Palaging tumatakbo ito sa gilid ng eskenita na may bitbit na kung anu-ano kada araw.

Hanggang sa makita niya na sinasaktan ito ng isang mama na napag-alaman niyang tatay nito. Binubugbog si Lorenz at inuutusan na magnakaw ng mas kapaki-pakinabang. Isang lasenggero at sugarol.

Inutusan niya ang chauffeur na tulungan si Lorenz. Pinagmasdan ng lalaki ang chauffeur.

”Hmp! Tutal naman ay gusto mo siyang tulungan, kung gusto mo kunin mo na itong anak ko kapalit ng singkwenta mil!”

Napataas lang ng kilay ang chauffeur.

Lumabas si Cally ng sasakyan. Naglabas siya ng dalawang Cash Card na naglalaman ng tig-singkwenta mil.

”Here are the cards, pin is 1234. Isang daang libo ang kabuoan na laman niyan. I don't want to see you ever again.” matapang na sabi niya sa lalaki.

Halatang nagising ito sa katinuan at napangisi. Umalos ang lalaki na bitbit ang cash card

”Get him in!” utos niya sa chauffeur.

Doon nga nagsimula ang pagkakilala nila ng lalaki. Malalim ang respeto nito sa kanya dahil hindi ito magiging head ng dark guards o shogun kung hindi sila nagkakilala.

Malamang ay tumulad ito sa tatay nito na lasenggero.

Ang 'Dark Guards' ay binuo ng uncle niya na si Rob na siya ring biyenan niya. Nagsimula ang samahan sa henerasyon nila para mas mapagtibay ang samahan ng Dark Lords.

Hindi tulad ng Dark Lords na sinasang-ayunan lang ng mga nakatatanda at head of the families kung karapat-dapat ang Headmaster na magmumula sa Kent Family, sa Dark Guards, lakas ang labanan. Kada ika-dalawang taon maglalaban-laban ang mga guards sa mansion ng Matsui. Kung sino ang mananalo sa buong match, ito ang magiging Shogun o ang pinuno.