6 (1/2)

Le Sauveur LennieKookie 37580K 2022-07-20

Lumipas ang halos isang oras na labanan...

”Salamat sa pag tulong niyo, akala ko ay dito na ako mamamatay.” hingal na sabi ni Kelvin ng sa wakas ay maubos na nila ang mga kalaban. Pagod na sumalampak siya ng upo sa lupa,hindi pa siya nakuntento, humiga siya at ipinikit ang mga mata.

”Walang mamamatay sa atin, Kelvin. Lalabas tayo sa gubat na ito at tatalunin pa natin ang mga black witch.” seryosong sabi ni Trevor.

”Akala ko lang naman.” salo kaagad ni Kelvin na nakahiga parin.

”Gamutin niyo na ang mga sugat niyo, ang babagal niyo kasing umiwas.” singit na pang-aasar ni Hermione sa kanila. Siya kasi ang pinaka-kaunti ang sugat sa kanilang tatlo.

”Ikaw na ang mabilis.” sarkastikong sabi ng dalawa.

”Mabilis talaga ako.” nakangising sagot ni Hermione.

Nagpahinga sila ng mahigit isang oras. Hindi nila magawang matulog o umidlip manlang kahit na gustong-gusto ng pumikit ng mga mata nila dahil sa mga naririnig nilang kaluskos, lalong-lalo na si Hermione. Alam nilang nasa paligid lang ang mga black witch, nakatago, nagmamasid at naghihintay ng magandang tyempo para atakihin sila.

”Sino sa inyong dalawa ang nagpakawala ng ipinagbabawal na hangin?” nandidiring tanong ni Hermione. May naaamoy siyang mabaho kaya naman tinanong niya na agad ang dalawa.

”Umutot? Aba! Hindi ako nautot!” mariing pagtanggi ni Trevor at nilingon si Kelvin. ”Baka si Kelvin. Kanina pa yan kain ng kain, magbawas ka nga muna doon.”

”Hoy! Hindi ako umuutot! Makapagbintang kayo ah.” depensa naman ni Kelvin. Muling suminghot sa hangin si Hermione, nandoon parin ang mabahong amoy at patindi ng patindi ang amoy nito.

”Kung hindi sa inyong dalawa, kanino o saan nanggagaling ang mabahong amoy na iyon?” takang tanong ni Hermione. Nakiamoy na rin ang dalawa. Maging sila ay naaamoy na rin ang sinasabi ni Hermione na mabahong amoy.

Nalukot ang noo ni Trevor. ”Teka, parang may natatandaan ako tungkol sa mabahong amoy na yan.” sambit niya habang hinihimas-himas ang baba. Pinilit niyang alalahanin ang tungkol sa mabahong amoy. Nang maalala niya ay awtomatikong napatayo siya.

”Natatandaan ko na! Umalis na tayo dito! Mamamatay tayo!” naguguluhan man ay tumayo na rin si Kelvin at Hermione.

Papaalis na sana sila pero hindi nila iyon nagawa dahil sa nakapalibot sa kanilang mga black witch, at hindi lang basta black witch ang mga nakapalibot sa kanila, ang mga nakapalibot sa kanila ay ang mga pinakamalalakas na kawal ng black witch.

Gumawa ng dalawang malaking bolang hangin si Trevor at isinuot iyon sa ulo ni Hermione at Kelvin. ”Para hindi nyo malanghap ang mabahong amoy. Kapag nalanghap natin ng nalanghap ang amoy na iyon ay mamatay tayo.” paliwanag niya.

Gumawa rin siya ng para sa kanya at isinuot ito. Kahit na air mage siya ay malalason parin siya ng mabahong amoy na iyon dahil humahalo ito sa hangin at hindi niya ito maaalis.

Nag simula ng umatake ang mga kawal ng kalaban. Higit na mas marami ito kaysa sa kanila pero alam nilang kaya nila ang mga ito. Sapat na ang mahigit isang oras nilang pagpapahinga para bawiin ang lakas nila, kahit tatlo lang sila ay mataas ang kumpyansa nila na sila parin ang mananalo.

Lampas isang oras ng nakikipaglaban ang tatlo, natatanaw na nila ang papasikat na araw ngunit hindi pa rin nauubos ang mga kalaban dahil imbis na mabawasan ay nadadagdagan pa ang mga ito. Marami silang napapatay pero mas marami ang dumadagdag.

Hindi ba sila nauubos? Bakit napakarami nila? Sabagay, buong kaharian ng black witch ang kalaban nila kaya hindi imposible ang napakaraming bilang ng kalaban.

”Konting tiis nalang. Kapag naubos na namin ang mga ito ay lalabas na kami sa gubat na ito.” sabi nila sa kanilang sarili. Pagod na pagod man ay lumalaban parin silang tatlo.