2 (1/2)

Le Sauveur LennieKookie 42670K 2022-07-20

”Hoy black lady! Sa tingin mo, bakit pinatawag ang lahat?” maangas na tanong ng lalaking kaklase ni Hermione.

Walang emosyon na tumingin siya sa lalaki. ”Mamamatay ka ba kung mag hihintay ka? Kung hindi, mag hintay ka r'yan. Malalaman mo rin kung bakit.” tamad na sagot ni Hermione.

Inis na hinawakan siya ng lalaki sa braso at pabalyang hinila. Wala pa ring emosyon na makikita sa mukha ni Hermione kahit na mahigpit ang pagka-kakapit ng lalaki sa kanya.

”Ginagago mo ba ako, ha!?”

”Bitaw.” ngumisi lang ang lalaki at mas lalo pang hinigpitan ang pagka-kapit kay Hermione. Napatingin siya sa braso niyang hawak ng lalaki, namumula na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya. ”Sinabing bitaw.” walang emosyon na sambit niya.

”Eh kung ayaw ko? Anong gagawin mo? Kukulamin mo ba ako, ha?” mapang-asar na tanong ng lalaki. At sinundan pa ng mapag-asar na tawa.

Nawalan ng pasensya si Hermione, pinagyelo niya ang braso niyang mahigpit na hinahawakan ng lalaki hanggang sa pati ang kamay nito ay nag yelo na.

”Hindi ko kayang mangkulam, pero kayang-kaya kong putulin ngayon ang kamay mo.” wika niya na nakapag-pakilabot sa lalaki. Walang nag bago sa tono ng pagsasalita ni Hermione, blangko at wala pa ring emosyon ngunit iba ang dating nito sa lalaki, para bang hindi si Hermione ang kaharap niya. Para bang ibang Hermione ang nasa harap niya. Malakas at nakakatakot, iyan ang Hermione na kaharap niya ngayon.

”Ipinatawag ko kayong lahat dahil may mahalaga akong sasabihin tungkol sa pandaigdigang kumpetisyon....” na kay headmaster Craven ang lahat ng atensyon pwera nalang ang atensyon ng tatlong estudyante, ito ay sina Hermione, Trevor at Kelvin.

Si Hermione ay pinagmamasdan syudad na nasa limang daang kilometro ang layo sa akademya. Si Kelvin naman ay pasimpleng pinalulutang ang mga laglag na dahon sa labas. At si Trevor, pinaglalaruan ang mga apoy sa lamparang nakasabit sa pader.

Kapwa hindi sila interesado sa kung ano mang sasabihin ng headmaster, at lalo na nang banggitin nito ang salitang kumpetisyon.

”Alam kong bago pa lamang akong headmaster, mag dadalawang taon pa lamang. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na bago ako mapunta sa pwesto ko ngayon, bago akong maging headmaster, aymatagal na akong guro dito. Sa tinigal kong namalagi rito sa akademya ay halos nasubaybayan ko na ang pag laki ng ilan sa inyo, kung sino ang humusay,  kung sino ang may mahinang mahika at kung sino ang may malakas na mahika. At dahil nabanggit ko na rin iyan, nais kong sabihin na nakapili na ako ng ilalahok sa kumpetisyon.”

”Tatlong estudyante. Tatlong estudyanteng naiiba ang kapangyarihan, abilidad, lakas at talino sa lahat...”

Nakuha ng mga salitang iyon ang atensyon ng tatlo. Bigla na lamang nag-iba ang pintig ng puso nila. Kapwa sila napalingon sa direksyon ng headmaster. Hindi nila mawari kung anong nangyayari sa kanila, pero isa lang ang alam nila: kinakabahan sila sa mga susunod pang sasabihin ng headmaster.

”Alam kong magtataka kayo kapag pinangalanan ko na ang tatlong estudyanteng yon, pero uunahan ko na kayo mga, mahal kong guro at mag-aaral ng Arch Academy, sa mga susunod na araw ay masasagot ang lahat ng katanungan ninyo.”

Lalong lumakas ang pintig ng puso ng tatlo. Nakailang lunok na rin sila at hindi na mapakali. Alam na nila sa sarili nila na sila ang tinutukoy ng headmaster, pero may isang tanong ang nabuo sa mga isip nila.

”Hindi pala ako nag-iisa?”

”Pinakikiusapan kong pumunta rito sa harapan ang tatlong estudyanteng tatawagin ko....”

”Trevor Mackarov, Hermione Brit, Kelvin Dreyar, kayong tatlo ang napili ko para lumahok sa pandaigdigang kumpetisyon.”

Ang lahat ay nagulat sa anunsyo ng headmaster, hindi makapaniwala at nag tataka. Paano na ang isang sakit sa ulo, isang weird at isang batang lampa ang napili niya, iyan ang mga tanong sa isip ng karamihan.

Walang ibang nagawa ang tatlo kundi ang tumayo at lumakad papunta sa harapan. Nang magkaharap na ang tatlo ay nag titigan sila at pinag-aralan ang isa't-isa. Hindi sila mag kakakilala ngunit iisa lang ang alam nila, bawat isa sa kanila ay may taglay na malakas na mahika.

Makailang ulit na tumanggi ang tatlo sa pagiging opisyal na kalahok nila sa pandaigdigang kumpetisyon, ngunit ano man ang tangging gawin nila ay hindi nito nabago ang desisyon ng headmaster.

Pangalawang linggo na nilang nag-eensayo ngunit sa tinagal nilang nagkakasama ay hindi manlang nila nagawang kausapin ang isa't-isa. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang pormal na pag-uusap, ni hindi manlang nila alam ang mahika o abilidad ng isa't isa. Tila ba may kanya-kanya silang mundo kapag magkakasama silang tatlo.

”Ngayon ay sasanayin naman natin ang mga mahika at abilidad na mayroon kayo.” wika ng headmaster.

Siya mismo ang nag sasanay sa tatlo. Iyon ang hininging kondisyon ng tatlo. Pinakamagaling na guro sa lahat ang headmaster kaya naman siya ang napili nila.

Nag dududang tumingin ang headmaster sa kanila. ”Umamin nga kayong tatlo, hindi niyo pa nagagawang kausapin ang isa't-isa, tama ba?” tanong nito.

”Tama po kayo.” sabay-sabay na pag-amin ng tatlo.