1 The 13-Types of Teachers (2/2)

Teacher no. 7 - Mam Hachi (The Everyone's BFF Teacher)

Siya 'yung teacher na nakalabas lahat ng ngipin at sang-kagilagidan kapag ngumiti. May bote siya ng enervon sa loob ng drawer niya, sa bag, at sa isa pa niyang bag. Friendly siya sa lahat, parang hindi siya teacher kung makisama sa estudyante, at napakadali niyang kaibiganin. Mortal competition siya sa Natatanging Guro Award. Pero ayaw niya sa mga special recognitions o special attentions. Miss Universe 1st Runner-up at World Peace lang ang gusto niyang peg.

Palagi nakangisi at may sariling buhay ang mukha. Literal na emoji ang face niya sa mga facial expressions niya. Luma na karamihan ng mga kagamitan niya. Naikwento na niya sa lahat na labing-tatlo silang magkakapatid at siya nagpapaaral sa lima. Madalas siya regaluhan ng mga sipsip na estudyante ng kung ano-anong school supplies.

Teacher no. 8 - Teacher Kim (The Trending Ultimate Heartthrob Teacher)

Napakaswerte mo kung may teacher kang ganito. Siya 'yung tipo ng teacher na considered nang endangered species. Super Mr. Perfect sa kagwapuhan, nakakatunaw na hotness at nakakapang-laway na katawan. Maka-ilang beses na siyang nagtetrending o nagva-viral sa internet as a heartthrob teacher. Mas nakaka-endangered pa kung ang subjects niya ay yung mahihirap na subject like Math o Science.

Mukhang mabango, amoy mabango. Halatang masarap kaya pantasya ng lahat. Malalim ang boses at walang umaabsent sa class niya. Madalas siya pinagkukumpulan ng mga haliparot mong classmates. Single pa siya kaya doble-doble ang panty na suot mo. Hindi kaya ang isang panty lang, ang mga tingin lang niya kaya na lusawin lahat ng elemento sa periodic table.

Teacher no. 9 - Mr. Taginit ”Coach Tag” (The Health-Crazy-Jockey P.E Teacher)

Siya ang 1st runner up sa pagka-heartthrob. Kung ayaw mo sa uso, sa sobrang gwapo, o kaya nama'y hilig mo ang exotic or street food, sa kaniya ka magkakandarapa. Siya 'yung sakto lang ang gwapo pero sobrang sarap. Ang P.E teacher mong batak ang katawan dahil tambay siya sa gym, addict mag grocery sa Healthy Options, at promotor ng yoga at meditations. Madalas din siyang pagkamalan na bading, pero madalas siya makipag kulitan na may double meaning sa mga girl students.

Siya ang paboritong teacher ng mga estudyanteng gwapo lang ang dala sa classroom - mga walang ballpen at papel, never pa nakakapasok ng library at may mukhang bano na taga-gawa ng assignments. Minsan tawag din sa kanila ”The Kopya Boys” dahil expert sila mangopya. Madalas topic niya with the boys ay yung Nike Air Jordan niyang bagong bili.

Teacher no. 10 - Mrs. Reklamor (The Non-Stop-Complaining Teacher)

Siya ang mareklamong teacher. Punong-puno na siya sa mapolitikang sistema ng school. Parte na ng lectures niya ang mga reklamo niya sa mga kakulangan sa school o kabagalan ng improvements. Tapos kokontsabahin pa niya ang mga estudyante niya na secret lang kapag may ni-reveal siyang failed actions ng admin o nag-name drop siya. Iniiwasan din siya ng mga co-faculty niya dahil panigurado may bulalas na naman siyang reklamo sa estudyante niya, sa mga OA at stage-parents, o sa mga pointless faculty meetings nila.

Hindi naman siya nakakairita. Madalas pa nga siyang source of entertainment kapag iniis-spoof siya ng mga estudyante niya dahil sa kanyang consistency, kung saan nakabisado na ng mga students ang mga pagreklamo niya. Galing siyang exclusive private school kaya magara ang kotse niya, branded at bago palagi ang bag niya at consistent sa salon ang hair-do niya pagpasok.

Teacher no. 11 - Ms. Dimakali (The OC Teacher)

Ang teacher mong hindi mapakali. Ayaw niyang magpunta sa library dahil tamad ang librarian mag-properly organize ng mga libro. May mga pouch siyang color-coded depende sa gamit o laman. Asahang alphabetical order ang seating arrangement ninyo. Colorful at very artsy ang mga activity props niya. Siya ang winner palagi ng 'CLAYGO' Policy ng Faculty. Ayaw niya ng magulo, kailangan lahat is in order. Maigi na wala kang papakialaman sa mga gamit niya sa table dahil paniguradong malalaman niya kahit may isang papel lang ang mausog.

Terno palagi ang suot niya. Siguradong may kung anong pink kang makikita sa kaniya. Paborito siya ng mga kikay sa school. Mahusay din siya magturo dahil naka-organise rin ng maigi ang lesson plans niya depende sa section ng klase na tinuturuan niya. May pang-matalino at may pang-slow siya na lesson plans. Hindi ka niya bet kausapin o pansinin kapag mukha kang dugyot.

Teacher no. 12 - Sir Yap (The Fashionista Teacher)

Ang power-beki mong teacher na medyo in-denial, bi-sexual daw kasi siya. Isa siya sa pinakapaborito mong teacher dahil sa husay niya magturo, madalas mataas ang nakukuha mong score sa exams o quizzes niya. Kadalasan, sa medyo madadaling subjects siya like History, o English, o Filipino. Best friend siya ng mga power-puff-beki groups sa school mo. Siya rin ang supervising faculty sa Theater Club niyo, o Choir/Chorale Club, o Dance Club. Siya rin ang madalas pasimuno ng mga Sabayang Pagbigkas o Group Christmas Carol Competitions.

Paniguradong may consistent fashion statement siya - sapatos, o bag, o scarf. Hindi siya plakado sa panlabas na anyo, pero masaya siya magturo. Kung alam mo kung ano ang 'spakol', nasa itsura niya yung consistent customer ng mga spakol. Paborito rin siya bola-bolahin ng mga boys sa classroom. Paminsa'y may pa-showbiz na nali-link pa kuno sa kaniya na classmate mong boy na kayo-kayo lang sa classroom ang nakakaalam dahil kayo din naman ang nagpauso.

Teacher no. 13 - Mr. Anodao (The Confucious Teacher)

Ang teacher mong nakaka-confuse. Siya yung teacher na paborito ng mga tahimik sa classroom na siyang paborito din niya. Birds of the same feathers kasi sila, at walang may pake sa kanila. Mga nobody. Iyung tipong nage-exist lang sila, period. Madalas nasa middle-age pa lang itong teacher na ito, yung mga edad na mapagpumilit na marami na silang wisdoms and experiences. Mahilig siya magbitaw ng mga plakadong quotable quotes sa mga lectures niya. Kung sana may ganoong effort din sa lesson plans niya eh. Biggest problem sa ganitong teachers, wala kang naiintindihan sa lectures nila. Nakaka-confuse lang, kaya good luck kapag exams dahil madalas din wala sa tinuro niya yung exams.

Madalas may makalimutan sa faculty na ipapakuha sa estudyante. Nakasalamin. Malapit na maging shaggy - shagilid ang buhok. Malumanay lang magsalita. Walang kinaiinisan sa faculty pero may mga ayaw siyang estudyante at paniguradong malalaman mo na ikaw 'yon.