2 Chapter 2 (1/2)
Hailey's POV
”Follow the leader! Will, let's go!” Narinig kong sigaw ni Lexi at nauna na kasama si Will. Kumbaga sila yung tour guide namin.
Si Lexi kasi yung nag-search sa lugar na to at sinend nya lang kay Will para sila yung gagabay samin.
Isa-isa na kaming sumunod kasi medyo masikip yung daan eh. Para kaming dumadaan sa gitna ng palayan na hanggang beywang ang tangkad.
After ten minutes ata nang paglalakad eh nag-iba na yung daan kaya napahinto muna kami. Wala na yung mga palay. Tsaka, marami na ang mga puno sa paligid namin. Maririnig ang huni ng nga ibon at tunog ng iba't ibang mga hayop. Makikita rin na marami kang pipiliing daan.
”Woah! Ang ganda rito! Nasa kagubatan na pala tayo. Nakaka-refresh!” Sabi ni Mica at ninanamnam yung sariwang hangin.
”Grabe! Ngayon lang ata ako napadpad sa ganitong klaseng lugar. Iba talaga ang mother nature!” Sambit ni Keith.
”Oh, saan pala yung sunod na daan?” Tanong ni Johnny.
”Ise-send ko sa groupchat para alam nyo rin,” sabi ni Will kaya tumunog yung lahat ng cellphone namin. ”Base sa picture at sa na-searched ni Lexi, dito yung sunod,” dagdag pa nito at tinuro yung daan sa kaliwa.
Naglakad na naman kami dala-dala ang kanya-kanyang mga gamit pati yung mga pagkain.
Ang layo pala ng Liyong Falls na yan. Hanggang ngayon, di pa rin kami nakarating. Dumaan pa kami sa tulay na gawa sa kahoy. Nakakatakot nga eh dahil anong oras pwede ka mahulog pag di ka nag-ingat. Kaya isa-isa lang kaming dumaan baka biglang masira. Medyo matagal na pala ang kahoy na ginamit.
May nadadaanan din naman kaming mga bahay pero mga apat lang ata tapos yung tatlo walang tao.
Medyo nalito rin kami dahil may dalawang daan na may nakasulat sa punong katabi nito. Pero di na mabasa nang buo dahil nabubura na. Yung sa kanan naman ang pinili namin dahil yun ang nasa picture.
”OMG! Heto na yun! Tingnan nyo!” Malakas na sabi ni Vaness.
Lahat naman kami ay namangha sa aming nakita. Kita na namin ang mga tubig na umaagos mula sa itaas at tila nahuhulog sa baba. Marami rin ang iba't ibang klase ng mga puno at mga bulaklak sa paligid ng lugar. Sobrang colorful. Ang ganda, sobra! Kaya di namin maiwasang kunan ito ng mga pictures. May group photos din kami. Syempre, memories. After noom eh kanya-kanyang selfies at photoshoots. Natigil lang kami nang biglang may nagsalita.
”Hala! Bakit ang tahimik dito? It's like we're just the ones here,” panira ni Erika sa pagkamangha namin sa ganda ng kalikasan.
”Yeah. Maganda nga rito. I don't know why but this place creeps me out,” sabi naman ni Sab.
”Medyo kakaiba nga yung dinaanan natin papunta rito,” dagdag pa ni Roy.
”Eksakto naman yung napuntahan natin gaya nung nasa mga facebook posts, di ba? Pero ba't parang kakaiba?” Sang-ayon ko sa sinabi ng ilan.
”Bumalik nalang kaya tayo? What do you think?” Lexi suggested.
”Ano ba kayo? Nandito na tayo. I-enjoy nalang natin,” pangontra ni Yunn.
”He's right. Marami naman tayo kaya okay lang. Tsaka, baka ganito lang talaga rito dahil nasa gubat naman talaga tayo,” Arthur explained.
”Pero what if something might happen to us despite the beauty of the nature?” Nakapameywang na sambit ni Vaness.
”May signal naman dito kaya maco-contact din natin agad parents natin,” panigurado ni Josh.
”Anong meron? Wala kaya! Tignan nyo kaya!” Sabi ni Kuya Max na nakatingin sa phone nito kaya chineck namin mga mobile phone namin.
”Di ba merong signal kanina? Ba't nawala?” Tanong ni Keith na naghahanap ng signal.
”Wala talaga rito. Hanggang dun lang yun sa tulay,” wika ni Johnny.
”Hayy naku! We love swimming and this is it. Let's just enjoy nalang! Okay?” Sabi ni Denisse kaya sumang-ayon yung karamihan. Wala na kaming nagawa.
May nakita kaming space dun malapit sa isang talon sa gilid kaya tinungo namin ito at agad na nag-setup sa lupang medyo kokonti lang yung mga damo.
”Sus! Parang camping at picnic lang din pala tong ginagawa natin eh!” Ang sabi ni Mica sa gitna ng pagka-busy namin.
”Tama ka dyan, bes! Pero okay na rin. First time nating maligo rito eh!” Sang-ayon ni Vaness.
Naligo na yung mga boys maliban kay Kuya Max at Clifford. Yung ibang girls din, nagtampisaw na sa tubig. Ang saya ng lahat. May nagswi-swimming, nagku-kwentuhan, nagtatawanan, may kumakain, may kumukuha ng pictures. Maririnig din ang asaran at awayan nina Mica at Yunn. Syempre, di naman magpapahuli sa ka-sweet-an yung dalawang magjowang sina Roy at Erika. Naghahalikan pa. Naku!
”Pare, tara na!” Dinig kong pagyaya ni Kuya Max kay Clifford kaya napatingin ako sa kanila.
”Sige, pare! Susunod na ako,” sabi ni Clifford kaya tumalon na si kuya sa tubig.
Nakapang-swimming attire naman na kami lahat maliban kay Clifford. Pero agad naman syang naghubad ng damit kaya agad akong umiwas ng tingin. Ba't ba lagi ko nalang nakikitang naghuhubad ang lalaking to malapit sakin? Dun kaya sya sa di ko sya makikita? Tandaan mo, Hailey. Kung masungit ka na, mas masungit ka sa kanya dahil sa ginawa nya noon.
Pero lumapit naman ito samin ni Lexi at Sab at kumuha ng slice ng cake.
”Ang sarap ng ginawa mong cake, Hailey!” Biglang sabi nya nang nakangiti pagkakagat nya ng cake. Napatingin naman samin yung mga nakarinig.
”Magaling din magluto yang kapatid ko, pare. Kaya ang swerte mo,” nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya Max.
”Naku, bes! Matagal nang may gusto sayo yang si Clifford. Di mo ba napapansin? Ay! Manhid ka pala, bes! Sorry! Sorry!” Sabi naman ni Lexi na nasa tabi ko at tinatap pa yung balikat ko. Humalakhak pa silang dalawa ni Sab.
”Lexi!” Pagsusungit ko kay Lexi pero kinindatan lang ako ng bruha.
”Ang torpe rin kasi ng kaibigan nating yan eh! Hahaha!” Dinig kong sabi ni Yunn.
”Tumigil nga kayo dyan! Suntukin ko kayo eh!” Sabi ni Clifford.
”Basta, pare! Support kami sayo! Mahal ka namin!” Sigaw ni Keith.
May gusto ba talaga sya sakin? Nakaramdam naman ako ng hiya bigla sa harap ni Clifford.